Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Tuesday, December 14, 2010

8 LALAWIGAN NG SENTRAL LUZON AANI NG HIGANTENG GULAY-DAR


PILIPINAS AT ISRAEL MAGKATUWANG SA PRODUKSYON NG HIGANTENG GULAY NG SENTRAL LUZON

DAHIL sa matibay na pagtutulungan ng Pilipinas at Israel upang mapabuti ang mga produksiyon ng gulay sa bansa ay walong (8) lalawigan sa Sentral Luzon ay posibleng taguriang “Lupain ng mga Higanteng Gulay” o ‘land of giant vegetables’.
            Sa ginawang pag-ikot sa isang bukid sa Llanera at Talavera Nieva Ecija kasama si Israeli Expert Navot Haklay na syang namamahala ng nasabing proyekto ay buong katuwaang ipinagmalaki ni Agrarian Reform Virgilio Delos Reyes ang naging resulta ng bagong teknolohiya isinagawa sat along at sibuyas. Kasama nila si Israeli Ambassador Zvi Vapni nang makita nila ang ‘Edna Eggplant’ na kasinlaki ng plato at ang ‘Galilee white union’ na kasinlaki naman ng platito.
            Sa ginanap na pagbubukas ng Philippine-Israel Center for Agricultural Training II (PICAT2) noong Disyembre 9 sa Llanera covered gymnasium Nueva Ecija, Aniya, ang bagong teknolohiyang ginawa ay siguradong magpapaangat ng industriya sa agrikultura at malaking maitutulong sa mga magsasaka dahil kundi man tri-triple ay dodoble ang ani nila na magreresulta sa pagtaas ng kanilang mga kita liban sa sa makatutulong sa siguridad sa bansa sa pagkain.
            Ayon kay Vapni sya maging ang kanyang mga kababayan sa Israel ay ibig matulungan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabahagi o pagbibigay ng makabagong teknolohiya sa agrikultura kung saan higit silang kilala.
            Kasabay nito ay nagkaloob din sa ilang kooperatiba ng mga magsasaka sa nasabing lalawigan ng ‘high-breed Israel seed and seedlings’ ng libre pati ‘Shanty Tomato’, ‘Ruby-Lee Lettucce’, ‘Tudela Eggplant at ‘Sapi Cucumber’.
Kaugnay pa rin dito, nagbigay ng halagang 1.7 milyong piso sa walong (8) opisyal ng Provincial Agrarian Reform (PARO) na kinabibilangan ng North at South Nueva Ecija, Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Zambales upang isagawa ang nasabing proyekto, na nagbigay naman ng pasasalamat si Llanera Mayor Lorna Mae Vero sa butihing Kalihim ng DAR at Israel Ambassador Vapni dahil sa napabilang ang kanyang munisipalidad sa nabibiyayaan.
-30-

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy