SA ginanap na Fellowship Night ng NRCP noong Disyembre 6, 2010 sa Traders Hotel ay ginawaran din ng parangal ang ilang kawani nito na patuloy na nagsilbi sa matagal na panahon para sa pagsasagawa ng pag-aaral para sa kagalingan ng bansa kabilang dito sina Ruby B. Villavicencio, Melinda L. Perez, Nilo D. Dalida, Lani P. Manalo at Alejandro R. Salamat na umabot sa 25 taon sa pagseserbisyo; Antonio A. Mariano at Ruby S. Anuncio ng 30 taon sa panunungkulan; Lina N. Alferez, Alice C. Mercado at Dr. Napoleon P. Hernandez, Executive Director ng NRCP na naglingkod ng 35 taon gayundin si Luz A. Aramil na pinakamatagal empleyado na umabot ng 40 taon.
-30-
No comments:
Post a Comment