5-Araw na Pagsasanay ng DevCom ng UPLB Handog ng PNGOC
NAGSAGAWA noong Nobyembre 22-26, 2010 ang Philippine NGO Council on Population, Health and Welfare, Inc. (PNGOC) sa pakikipagtulungan ng Population Commission ang 5-araw na Pagsasanay ng ilang piling 'Media Practitioner' galing sa iba't-ibang panig ng bansa sa Cherry Blossom Hotel, Ermita, Manila.
Ang ikalawang bahagi ng pagsasanay na inihandog ng PNGOC ay nilalayong madagdagan ang kaalaman ng mga tagapagsahimpapawid at tagapagsulat ng mga balita na magamit ang sistema ng 'Development Communication' hinggil sa responsableng pagpapamilya at pagsagawa ng natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya. Tinatayang nasa dalawampung medya nang nasa nasabing seminar na kasama rin sa 2009 Seminar ng PNGOC.
Ang naturang pagbibigay dagdag kaalaman ay bahagi pa rin ng programa ng Komisyon ng Populasyon sa tinaguriang 'Population Development Week' (Nobyembre 23-29, 2010) na may temang "Population, Poverty and Development" gamit ang slogan na "Responsableng Pagpapamilya: Sa Tamang Agwat ng Panganganak, Pamilya ay Aangat!" na nakalap sa mga suhestiyon ng 'Media Practitioners' noong nakaraang taong sa natapos na unang bahagi ng pagsasanay.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Aristarco Baluyos ng Population Commission subalit hindi na gaanong nagtanggal bagaman ilang 'Media Practitioners' ang nais syang makapanayam.
Naging mahusay naman ang isinagawang paraan ng pagpapakilala ng bawat kalahok na isinagawa ni Bb. Heidi Daniella Mercado sa pamamgitan ng tinawag nyang “Getting to Know, Three Things” kahit ilan ay halos magkakakilala na. Nagsilbing tagapangasiwa naman si Prof. Rosario Tatlonghari ng CDC-UPLB sa kabuuan ng nabanggit na pag-aaral at siya rin ang nagbigay ng 'pagsisimula ng mga aktibidad sa unang araw na tinaguriang “Getting Started, leveling off the Participants’ Expectation and Training Overview” na layuning malaman ang saloobin at inaasahan ng mga kalahok sa inaasahang kabuuan ng pagtatapos ng pag-aaral.
Ilang guro ng College of Development Communication ng University of the Philippines Los Banos (UPLB) sa lalawigan ng Laguna ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa Development Communication. na kinapapalooban ng Community Communication, Educational Communication at Science Communication na kinabibilangan nina Assistant Professor Benjamina Paula G. Flor, Hermilea Marie C. Castillo, Dr. Pamela Custodio, Bb. Ricarda Villar, Prof. Romel Daya, Prof. Edmund Centeno, at Prof. Jon Paul Maligalig.
Sa ikaapat na araw ng pagsasanay ay dinala sa UPLB Los Banos, Laguna ang mga medya upang aktuwal na makita ang Community Broadcasting Facility ng nasabing yunibersidad kasabay na rin ng pagtuturo ng Community Broadcasting ni Prof. Teresita Borja-Osalla maging ang tinatawag nilang 'School-On-Air' kung saan malaking naitulong sa mga mamamayan ng ilang piling komunidad sa aspeto ng edukasyon at pagbubukas ng oportunidad na pinakinabangan ng mga residente.
Kapansin-pansin na kahit iba-iba ang paraan ng pagbabalita at nagkaroon man ng pagkalito sa pagkakaintindi ng layunin ng PNGOC at POPCOM sa panahon ng pagsasanay sa ginawang iba't-ibang 'module' ng pagtuturo hinggil sa Development Communication sa huli ay naipamalas na epektibong pamamaraan din ang Community Broadcasting. Wika nga ni Helen Bandala, Station Manager ng Sogod, Southern Leyte na i-DevCom mo lang kung negatibo ang dating ng istorya. Sa kabuuan ng pag-aaral, nalaman ng bawat isang kalahok na ang DevCom ay isinasagawa na ng mga kasamahan sa trabaho. Hindi man Community Broadcasting ang taguri subalit ito ay maihahalintulad ang tinatawag na 'Remote Broadcasting' na ginagawa nang matagal ng maraming 'Media Practitioners'.
Cathy Cruz
PSciJourn Mega Manila

No comments:
Post a Comment