Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts
Showing posts with label DAREFI NEWS. Show all posts
Showing posts with label DAREFI NEWS. Show all posts

Saturday, November 26, 2011

PANGULO NG DAREFI MULING GINAWARAN NG PAGKILALA

Malugod na tinanggap ni Bb. Violeta M. Bonilla ang katunayan ng pagkilala ng Lingkod Bayan ni Tony Falcon Inc. habang masayang iniabot sa kanya nina Chinese General Hospital and Medical Center President James Dy (kanan dulo), Vea Corpuz (kaliwa dulo) at mahusay na Broadcaster Tony Falcon sa ginanap na ika-23 Anibersaryo ng nabanggit na samahan. (Larawan ni Raffy Rico)

MULI na namang ginawaran ng pagkilala ang Pangulo ng DAR Employees Foundation, Inc. na si Violeta Bonilla na mas kilala bilang Ying ng Lingkod Bayan ni Tony Falcon Inc. sa ginanap na ika-23 taong selebrasyon noong Setyembre 21, 2011.

Ayon kay Vea Corpuz, Co-host ni Tony Falcon sa radyo at telebisyong programa ng Lingkod Bayan ay ika-6 na parangal na umano ng DAREFI ang iginawad bilang pagkilala sa kanilang walang humpay na pagtulong sa kapwa hindi lamang sa kanilang mga kasamahan sa Department of Agrarian Reform kundi maging sa mga kapuspalad.

Sa maraming pagkakataon ay naging magkatuwang ang DAREFI at Lingkod Bayan sa mga mabubuting pagkakawanggawa sa sambyanang Pilipino. Cathy Cruz, DWAD Lingkod Bayan

Wednesday, June 15, 2011

8 KABATAAN TUMANGGAP NG SCHOLARSHIP PROGRAM MULA SA DAREFI


WALO na namang kabataan na anak ng mga miyembro ng DAR Emloyees Foundation Inc. (DAREFI) ang muling nabiyayaan ng tulong pinansiyal bilang iskolar ng nasabing foundation sa pagbubukas ng klase ngayong taong 2011.

Ang mga kabataan na tumanggap ng Scholarship program mula sa DAREFI ay sina Donabelle Gadgad, (DAR-Benguet); Roxette Anne Mananes, (DAR-Tarlac); Charlene Babra, (DAR-Laguna); Ysmael Candelario, (DAR-Occidental Mindoro); Evanne Dominique Araojo, (DAR-Catanduanes); Vic Steven Muyalde, (DAR-Bohol); Rez Angeli Pugoy, (DAR-South Bukidnon) at Klivonne John Santoyo, (DAR-Misamis Oriental)

Pinangunahan ni DAREFI President at Chairman Violeta “Ying” M. Bonilla ang pagbibigay ng Cash Checks sa mga napiling iskolar na nagkakahalaga ng sampung libong piso(10,000) bilang paunang tulong pinansiyal para sa pambili ng gamit sa pag-aaral, uniporme, at iba pang kakailanganin sa pagsisimula ng klase at pagpapa-enroll sa mga paaralan na nais nilang pasukan. Ang nasabing seremonya ay sinaksihan ng mga magulang at ng DAREFI Board of Trustees na ginanap kamakailan.

Ang bawat iskolar ng DARE Foundation, Inc. ay tumanggap ng inisyal na P10,000.00 sa kabuuang P 20,000.00 hanggang P 40,000.00 para sa isang buong taon na pag-aaral.  Ang susunod na halaga ay nakabase sa sisingilin ng paaralan sa anumang apat (4) na taong kurso na nais kunin ng bawat estudyante, ang DAREFI na mismo ang magbibigay ng kabuuang bayad sa sa kanilang pinasukang unibersidad.

Ayon kay Bb. Bonilla sakaling hindi makapagtapos ang estudyante sa apat (4) na taong kurso, ma-oobliga umano ang mga magulang nito na ibalik ang perang ipinagkaloob sa kanila ng DAREFI at kung sakaling lumampas naman  ng 4 na taon, ang mga magulang na ang gagastos sa kanilang pag-aaral hanggang sa makatapos. Ito aniya ay upang masiguro na pahahalagahan ng bawat estudyante at magulang ang ipinagkaloob nilang tulong pinansyal para matiyak na sila ay makakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Una nang ginawa ng DAREFI ang pag bibigay ng tulong pinansiyal sa mga napiling maging iskolar noong nakaraang taon bago magpasukan at sa ngayon nga ang pangalawang taon na kung saan 8 iskolar ang makapag-aaral ng libre.

Sinabi pa ni Bb. Bonilla na hindi lamang ito ang programa na  ipinagkakaloob ng DAREFI sa mga kawani ng pamahalaan lalo sa mga empleyado ng DAR, na ang layunin ay maihanda ang mga kasamahan at pamilya nito sa pagtatapos ng programang agraryo sa 2014. RAFFY RICO

Friday, June 10, 2011

KATUPARANG MAKATAPOS SA KOLEHIYO DI NA IMPOSIBLE – YING BONILLA



MALUGOD na ipinagkaloob ni Bb. Violeta “Ying” M. Bonilla ang tseke bilang paunang tulong pinansyal sa isa sa walong iskolar ng DARE Foundation, Inc. na sinasaksihan ng kanyang ina, DAREFI Finance Officer Cora Delfin at ng ilan sa mga DAREFI Board of Directors na sina Araceli Domingo, Zaida Dela Cruz at Concha Morales.

 
MULI na namang nagkaloob ng ayuda ang DARE Foundation, Inc. sa mga anak ng kawani ng Kagawaran ng Repormang Agraryo (DAR).

Kamakailan ay masayang tinanggap ng mga iskolar na sinasaksihan ng kanilang mga magulang at Board of Trustees ang tseke bilang tulong pinansyal upang makapag-aral ang mga anak ng DAR ‘employees’ na hindi makayanang maipagpatuloy ang pagpapa-aral sa kolehiyo dahil sa kaliitan ng tinanggap na sahod, kawalan ng trabaho ng kabiyak o kulang pa ang kinikita ng mag-asawa kahit pagsamahin at may maraming anak.

Sa inisyal na pagkakaloob ng tulong pinansyal ay tinanggap ng ilan sa walong (8) iskolar na kinabibilangan nina Donabelle Gadgad, DAR Benguet; Roxette Anne Mananes, DAR-Tarlac; Charlene Babra, DAR Laguna; Ysmael Candelario, DAR Occidental Mindoro, Evanne Dominique Araojo, DAR-Catanduanes; Vic Steven Muyalde, DAR Bohol; Rez Angeli Pugoy, DAR-South Bukidnon at Klivonne John Santoyo, DAR-Misamis Oriental ang pasimulang halaga na sampung libong piso bilang pambili ng gamit pang-eskuwela, yuniporme, at iba pa sa pagsisimula ng klase o pagpapatala sa State Universities saan man naisin ng mga mag-aaral.

Ang bawat iskolar ng DARE Foundation, Inc. ay tumanggap ng inisyal na halagang P10,000.00 sa kabuuang P20,000.00 hanggang  P40,000.00 para sa isang buong taong pag-aaral.  Ang susunod na halaga ay nakabase sa sisingilin ng State University sa kung anumang apat (4) na taong kursong nais ng estudyanteng kunin at direktang magbabayad ang DAREFI sa kanilang pinasukang yunibersidad.

Ayon kay Bb. Bonilla, sa totoo lamang aniya ay noong nakaraang taon pa ito sinimulan ng nasabing organisasyon at ito ay maituturing nyang pangtanggol laban sa nararanasang di maipagpatuloy na pangarap o solusyon ng mga magulang na kapwa kawani rin nya sa DAR.

Dagdag pa nya na sakaling hindi makapagtapos ang estudyante sa apat (4) na taong kurso ay ma-oobliga ang mga magulang na ibalik ang perang ipinagkaloob sa kanila o kung sakaling lalampas ng 4 na taon ay ang mga magulang na ang gagastos sa kanilang pag-aaral. Ito aniya ay upang masiguro na pahahalagahan ng estudyante at magulang ang ipinagkaloob nilang tulong pinansyal at tiyakin na sila ay makakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo lalo pa at wala nang mabigat na dahilan ng kanilang pagtigil.

Inaasahan na hindi lamang ito ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng DAREFI sa mga kawani ng pamahalaan lalo ng mga taga-DAR, ito umano ay isa lamang sa mga programa at proyekto ng nasabing organisasyon at layunin nilang maihanda ang mga kasamahan at pamilya nito sa pagtatapos ng programang agraryo sa 2014. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

Tuesday, May 31, 2011

DAREFI GINAWARAN NG PAGKILALA BILANG LINGKOD BAYAN NG DSWD


KINILALA ni DSWD Usec Alicia Bala ang DAR Employees Foundation Inc. sa pangunguna ni Violeta M. Bonilla (gitna) sa mga paglilingkod at pagtulong sa kapwa lalo na sa mga kapwa kawani ng pamahalaan, Chairman and President kasama ang mga opisyal ng DSWD. Mula sa kaliwa Concha Morales at Ricardo Gamboa, dulong kanan naman sina Vicenta Naraja at ARaceli Domingo pawang BOD ng DAREFI.

GINAWARAN ng pagkilala ang Chairman and President ng DAR Employees Foundation, Inc. (DAREFI) na si Bb. Violeta “Ying” M. Bonilla kasama ang ilan sa mga Board of Trustees na sina Vicenta Naraja, Concha Morales, Araceli Domingo, at Ricardo Gamboa sa pagiging katuwang ng pamahalaan sa pag-aambag na mapaangat ang buhay ng mga mahihirap o ng hanay sa lipunan na lubhang nangangailangan ng tulong.

          Sa naganap na “Awarding of Registration, License and Accreditation Certificates” nitong Lunes, Mayo 30, 2011 sa DSWD Central Office ay kabilang din ang pito (7) pang mga organisasyon na kinabibilangan ng Antipolo Seminary Foundation, Inc., Defending Damily Values Foundation, Inc., Association Compassion Asian Youth, Inc., The Salvation Army Social Services, Incorporated, Caritas Manila, Inc., Odyssey Foundation, Inc., at Mother Ignacia National Social Apostolate Center, Inc.

          Base sa isinagawang imbestigasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay napatunayang ang DAREFI ay patuloy na nagkakaloob sa mga kasapi nito ng murang serbisyong pangkalusugan gayundin ng tulong pinansyal, pangkabuhayan at mga pang-edukasyong programa sa ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Tinagurian ng DSWD ang DAREFI bilang “Auxiliary Social Welfare and Development Agency” o SWDA na nagpapatakbo bilang People’s Organization na nilagdaan ni Undersecretary for Policy and Program Alicia R. Bala.

      Matatandaan na taong 1998 pa nang nagsimula nang operasyon ang DAREFI na binubuo ng mga kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR). Dahil sa karanasan ng butihing Chief Agrarian Reform Program Officer (CARPO) ng Land Tenure Documentation Division ng Bureau of Land Acquisition and Distribution (LTDoc-BLAD) ay naisip na magtatag ng magsisilbing pundasyon at haligi na puwedeng kapitan ng mga empleyado ng DAR na posibilidad na mawalan ng trabaho pagkatapos ng programa ng nasabing ahensya.

          Nakita nyang matindi ang pangangailangang pangkalusugan ng mga manggagawa ng pamahalaan tulad ng kanilang ahensya at kadalasang dahil sa kakulangan ng pananalapi upang makabili ng gamot at mailigtas ang buhay ng mismong kawani o pamilya nito ay hindi nagtatagumpay sa halip kundi nababaon sa utang at namamatay din paglaon dahil hindi magawang maipagpatuloy ang kasiguraduhang makapagpatingin sa doktor, dito isinilang ang Med+Care Plus Plan.

          Hindi biro ang mga dinaanan ng nasabing organisasyon subalit dahil sa pagkakaisa ng mga Board of Trustees ng DAREFI katuwang din ang mga naging tauhan na rin ng nasabing organisasyon na mula rin sa mga pamilya at kamag-anak ng mga empleyado ng DAR ay patuloy ang pagtatag nito.

          Mula sa programang serbisyong pangkalusugan, tiniyak din ng DAREFI na makapag-impok, magkaroon ng kabuhayan at matiyak na mapag-aral ang mga anak ng taga-DAR na tinagurian naman nilang Employees Retirement Welfare Fund.

          Sa kabilang banda, sinasabi ng Pangulo ng DAREFI na kung ang mga miyembro ay may karapatan sa mga kapakinabangan ay may obligasyon din ang mga namumuno sa mga kasapi nito na nagtiwala. Kung kaya’t sinisiguro din nya na ang mga kawani na may pagkakautang bilang panimulang pagnenegosyo, pagpapaaral, pambili ng gamot o tulong medikal ay maibalik dahil ito ay mula rin sa mga empleyado ng DAR na nag-impok upang pagdating ng takdang panahon ay maibalik na may kaakibat na interes upang kanilang magamit din sa panahon ng kanilang pagreretiro o pagkawala sa serbisyo sa gobyerno.

          Sa kasalukuyan, naniniwala si Ms. Ying kasama ng kanyang mga Board of Directors ng DAREFI na patuloy na tatatag at aangat ang kanilang organisasyon upang higit na marami pang makinabang at maabot ng kanilang serbisyo at tulong na pawang mga kawani ng gobyerno. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy