Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Saturday, November 26, 2011

PANGULO NG DAREFI MULING GINAWARAN NG PAGKILALA

Malugod na tinanggap ni Bb. Violeta M. Bonilla ang katunayan ng pagkilala ng Lingkod Bayan ni Tony Falcon Inc. habang masayang iniabot sa kanya nina Chinese General Hospital and Medical Center President James Dy (kanan dulo), Vea Corpuz (kaliwa dulo) at mahusay na Broadcaster Tony Falcon sa ginanap na ika-23 Anibersaryo ng nabanggit na samahan. (Larawan ni Raffy Rico)

MULI na namang ginawaran ng pagkilala ang Pangulo ng DAR Employees Foundation, Inc. na si Violeta Bonilla na mas kilala bilang Ying ng Lingkod Bayan ni Tony Falcon Inc. sa ginanap na ika-23 taong selebrasyon noong Setyembre 21, 2011.

Ayon kay Vea Corpuz, Co-host ni Tony Falcon sa radyo at telebisyong programa ng Lingkod Bayan ay ika-6 na parangal na umano ng DAREFI ang iginawad bilang pagkilala sa kanilang walang humpay na pagtulong sa kapwa hindi lamang sa kanilang mga kasamahan sa Department of Agrarian Reform kundi maging sa mga kapuspalad.

Sa maraming pagkakataon ay naging magkatuwang ang DAREFI at Lingkod Bayan sa mga mabubuting pagkakawanggawa sa sambyanang Pilipino. Cathy Cruz, DWAD Lingkod Bayan

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy