SA kauna-unahang pagkakataon ay naganap sa Sofitel ang pagsasama-sama ng 1,512 na munisipyo sa ating bansa. Ang kapulungan ay tatlong araw na isinagawa (Nobyembre 30-Disyembre 2, 2010) na may temang “Unity in Diversity Amidst Local Challenges”.
Sa ikalawang araw ng aktibidad ay nagkaroon din ng pagsasalin ng panunungkulan ni Mayor Ramon N. Guico, Jr. sa mga bagong hirang na mga opisyales ng LMP sa pamumuno ni Mayor Strike Revilla ng Bacoor, Cavite. Si Vice President Jejomar Binay ang nagpatibay ng kanilang panunumpa sa katungkulan bilang mga bagong opisyal ng LMP.
Layunin ng kapulungang ito na mapag-usapan at mapagsama-sama ang mga suliranin na kinakaharap ng kanilang bayan tulad ng isyu ng kalusugan, ‘environment’, at ‘boundaries’ na magpahanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring nakabinbin na nagreresulta sa hindi mailabas-labas na pondo ng Internal Revenue Allotment (IRA). Nais din ng LMP na mahanapan ito ng solusyon upang mapaunlad hindi lamang ang kanilang munisipalidad kundi ang bansang Pilipinas sa kabuuan.
Sa ibinigay na pananalita ng Binay na ang lokal na pamahalaan ang kadalasang laging nakaharap sa mga problema ng bayan tulad ng ‘peace and order’, kalusugan, edukasyon at kalamidad. Aniya dahil dito ay LGU rin ang syang laging nangunguna sa paghanap ng solusyon o hakbang upang ang mga problema ng bayan ay maisaayos.
Pagdidiin din ng Pangalawang Pangulo na panahon na upang magkaroon ng amyenda ang ‘Local Government Code’ upang nauugnay o maging napapanahon ang mga polisiya at maging epektibo ito sa bawat munisipalidad. Dahil dito ay isinusulong nya na madagdagan ang taon ng panunungkulan ng mga lokal na opisyal sa pamamagitan ng ‘constitutional amendments’ sapagkat hindi umano sapat ang tatlong (3) taon.
Gayundin, binanggit nya na magkaroon ng pagsasarili ang bawat LGU pagdating sa pinansyal na aspeto sa pamamagitan ng awtomatikong paglalabas ng IRA na galling din mismo sa lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pag-ipit ng pondo dulot ng pulitika. Isinusulong din ng Bise na makapagtatag ng ‘development banking facility’ para sa LGU na tatawaging ‘Local Government Development Bank’.
Kinakailangan ding pag-aralan ang pagkakaroon ng ‘Sectoral Representatives’ ng mga ‘Civil Society Organizations’ sa lokal na konseho dahil sila aktuwal na katuwang sa komunidad. Ang pagkakaroon ng ‘Memorandum of Agreement o Understanding’ ng pamahalaan sa mga pribadong sector ng lipunan at ‘Non-Governmental Organizations (NGO’s) ay magiging epektibo rin.
Sa kanyang pagtatapos ay nirerekomenda rin ni Binay na itaas ang sahod ng mga lokal na opisyal at ‘exempted’ sa ‘Salary Standardization Law’ sa loob ng tatlong hanggang anim na taon.
Namutawi rin sa Pangalawang Pangulo ng bansa na ang bawat Alkalde ng bawat bayan ay hindi dapat matakot sa pagsasabi ng katotohanan at matutong manindigan sa katotohanan anuman ang mangyari lalo na ito ay para sa katotohanan, katarungan at kabutihan ng sambayanan.
No comments:
Post a Comment