PACQUIAO SUMUSUPORTA SA ROTARIANS NG KYUSI
GINANAP noong Disyembre 1, 2010 ang Inter-City Meeting ng Rotary Club of Quezon City North District 3780 na may temang “Drug-Free, Crime-Free Communities through Sports Activities” sa Occupational Safety and Health Center (OSHC) sa North Avenue, Lungsod Quezon.
Naging panauhing pandangal ang Pambasang Kamao na si Representative Emmanuel “Manny” Pacquiao, dating Senador Robert “Bobby” Jaworski at District Governor Pablo “Ambo” Gancayco. Sa nasabing aktibidad ay iginawad ang parangal at tropeo kay Cong. Pacquiao bilang Boxer of the Century.
Ayon kay Pacquiao tulad nya ang serbisyong ibinibigay sa mga kababayang mahihirap ng mga Rotarians ay ‘World Class’ din at hinahangaan nya kung kaya aniya ay asahan ang kanyang patuloy na suporta sa Rotarians sa mga programa at proyekto na ginagawa at gagawin para sa kabutihan ng kapwa.
Hinimok din nya ang mga kabataan na ibaling ang atensyon sa mas produktibong bagay o magbibigay kalusugan sa katawan. Ang pagsusulong ng iba’t-ibang uri ng palaro ay malaking magagawa hindi lamang sa mga kabataan kundi sa komunidad sa kabuuan upang maiwasan ang krimen at droga.
Subalit pagdidiin ng Kongresista na kahit nandyan ang mga Rotarians na patuloy na tumutulong sa mga mahihirap sa bansa ay mananatiling epektibo pa rin ang disiplina sa sarili at dasal anuman ang ginagawa sa araw-araw.
-30-
No comments:
Post a Comment