Matututukan na ng lahat ng manonood sa Big Dome ang bawat detalye ng matinding sagupaan ng mga tandang na makakalahok sa 2011 World Slasher Cup na gaganapin mula Enero 17 hanggang 23, 2011.
Mahigit na 250 na panabong ang nakaumang na makipagsagupaan sa 48th edition ng tinaguriang Olympics of Cockfighting. Sa Pilipinas kase, ang sabong ay higit sa pampalipas oras o hilig lamang. Ayon sa mga ulat, mahigit na 8 milyun sa kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay sabungero o mga cock breeder. Dahil dito ay laging dinadagsa ng mga tao ang World Slasher Cup. Mula sa 60 na manonood nuon unang pagtatanghal ng World Slasher sa Big Dome nun 1960s, lumobo na ng libu-libong sabong aficionados ang nagpupunta sa mga derby dates nito. Ang sabong rin ang tinaguriang “great equalizer” dahil sa isang bansa kung saan matindi ang agwat ng mahirap at mayaman, sa loob ng sabungan, tila lahat ay pantay-pantay sa pagkagiliw sa sport na sabong.
Ito ang dahilan kung bakit kamakailan lang ay pinalitan ng Araneta Coliseum ang kanilang lumang scoreboard at kinabit ang bagong scoreboard na tinawag nilang Big Cube. Dahil dito ay malinaw na makikita ng lahat ng manonood mula sa lahat ng sulok ng Araneta Coliseum ang aksyon at makulay na labanan na nagaganap sa sentro. Dahil sa 10-millimeter pitch ng Big Cube, at sa apat na projected sides sa parisukat nitong porma, mistulang nasa ringside na rin ang imaheng makikita kahit na nakapuwesto sa upper box. Ang Big Cube ay mas malinaw pa kaysa sa system na nakalagay sa Dallas Cowboys Stadium.
Mahigit na 250 na challenger at dating champion mula sa buong mundo ang magsasagupa sa 2011 World Slasher Cup. Lahat sila ay pupuntiryahin na agawin ang trono mula sa kasalukuyang kampeon na si Engr. Sonny Magtibay. Kasama rin sa listahan ang mga pinakamagaling na game fowl mula sa America, Canada, Guam, Malaysia, Japan, Taiwan, Australia at iba pa. Kabilang sa mga cock breeder at sabong enthusiast sina Roger Roberts, Ray Alexander, Wilber le Blanc, Carol Nesmith and Jorge Goitia (USA), Mar Gatmaitan and Sedfrey Linsangan (Guam), Mark Salazar (Malaysia), Mike Formosa (Hawaii), mga locals tulad nina Biboy Enriquez, Madlambayan brothers, Gov. Ito Ynares, Sonny Lagon, Gerry Ramos, Philip Chiongbian, Boy Marzo, Raymond Velayo, Cong. Claude Bautista at marami pang iba.
Ang 2011 World Slasher Cup ay handog ng Pintakasi of Champions at may presentor na B-Meg. Kasama rin sa mga sponsor ang Thunderbird at Sagupaan. Ang mga petsa ng derby dates ay Enero 17, 18, 19, 20, 22, at 23.
###
No comments:
Post a Comment