Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Thursday, September 29, 2011

DA pamumunuan ang “Consumer Welfare Month”, kasapatan sa pagkain nakatuon ang pagdiriwang

Pamumunuan ng Kagawaran ng Pagsasaka ang kasalukuyang taon na pagdiriwang ng “Consumer Welfare Month”, na magaganap mula Oktubre 4-6, 2011. Nakatuon sa pagdiriwang ang patuloy na programa sa pansariling kasapatan sa pagkain at maibigay ito sa mga mamimili na ligtas at sa abot-kayang halaga .

Sa pakikipagtulungan ng DA sa National Consumer Affairs Council (NCAC), inaasahan na may 300 mga partisipante na mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobierno at ng pribadong sector ang dadalo at makilahok sa mga aktibidades o mga kaganapan na inihanda ng Agribusiness and Marketing Assistance Service sa pamumuno nina Assistant Secretary Salvador S. Salacup at Director Leandro H. Gazmin.

Ayon kay kalihim Proceso J. Alcala , ang paksa ng pagdiriwang ngayong taon na, “Sapat, Ligtas, at Abot-Kayang Pagkain Para sa Lahat”, ay tugma upang itampok ang kasapatan sa pagkain na programa ng Kagawaran , at maibigay ito sa mga mamimili na ligtas at de kalidad.

Ito ay pangatlong taon na pagdiriwang na ang DA ang punong abala,at makakasama nito ang Department of Trade and Industry (DTI),at Department of Health (DOH), dagdag ng kalihim.

Ang Consumer Welfare Month ay ipinagdiriwang bawat taon sa buwan ng Oktubre sa atas ng Presidential Proclamation 1098 na inilabas noong 1997. Pinasimulan ito ng NCAC, at nilikha ang Republic Act 7394 o ng Consumer Act of the Philippines (Batas ng mga Mamimili o Konsyumer ng Pilipinas) upang mapagbuti ang pangangasiwa, pag-uugnayan at pagkamabisa ng mga programa ng mga konnsyumer ng iba’t-ibang ahensya ng gobierno.

Maliban sa mga binanggit ng kalihim na mga ahensya na kasapi ng NCAC , kasama rin ang Department of Education, Environment and Natural Resources, Energy, at Transportation and Communication. Kasama din sa Konseho (Council) ang apat na kinatawan ng mga consumer organizations, at dalawang kinatawan mula sa sector ng pagnenegosyo at industriya.

Layunin ng taunang pagdiriwang ng CWM ang maikintal sa kamalayan ng mga konsyumer o mamimili ang kalidad at ligtas na pagkain; ipaalam ang mga programang pangkonsyumer ng gobierno; ang maipamulat sa mga konsyumer ang kanilang mga karapatan ; para sa adbokasiya ng Consumer and Price Acts ; at pagsamahin ang mga usapin o mga alalahanin na nakaapekto sa mga mamimili.

Upang maabot o makamit ang mga nasabing layunin, ang mga aktibidades na magaganap sa ngayong taong pagdiriwang ay isang pormal na progama sa pagbubukas ng ngayong taong selebrasyon, eksibit at mga pagtitinda mula Oktubre 3-7, mga gaganaping seminars, at may isang buwan na mga aktibidades na may kaugnayan sa konsyumer na ginaganap sa iba’t-ibang rehiyon (RFUs), sa mga pangasiwaan at mga kaagapay na ahensya ng DA.

Ang National Steering Committee sa mga nabanggit na kaganapan ay pinamunuan nina Bb. Velma Lim, NCAC na siyang chairperson, kaagapay sina DA Assistant Sec. Salacup at AMAS Director Gazmin. DA Information Service

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy