Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Wednesday, September 14, 2011

Presyong Retail sa Bagsakan (September 14, 2011)

Ngayong araw ng Lunes, ika-14 ng Setyembre 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P160.00 hanggang P175.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Muntinlupa Public Market, Commonwealth Market, Bacoor Public Market at Pasat Public Market.

Ang liempo naman ay mabibili ng P170.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Commonwealth Market, Bacoor Public Market at Pasay Public Market.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P120.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Muntinlupa Public Market, Commonwealth Market, Baccor Public Market at Pasay Public Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.30 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P85.00 hanggang P100.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P80.00 hanggang P90.00 kada kilo.

Ang murang¬ bangus (medium) ay mabibili sa Commonwealth Market, Mega Q Mart, City Market of Antipolo at Bacoor Public Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Commonwealth Market, Mega Q Mart at Pasay Public Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P35.00 hanggang P65.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P36.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P60.00 hanggang P70.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P40.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P45.00 per kilo sa Baccor Public Market . Ang scorpio cabbage ay mura sa Pasay Public Market sa halagang P25.00 per kilo. Makakabili naman ng P35.00 per kilo ng carrots sa City Market of Antipolo at Pasay Public Market. Ang kamatis sa halagang P36.00 per kilo naman ay mabibili sa Baccor Public Market.Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P60.00 sa Pasay Public Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P25.00 per kilo sa Muntinlupa Public Market, Baccor Public Market at Pasay Public.

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy