Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Friday, October 21, 2011

PAGPAPAGIBA SA SIMBAHAN PINAHINTO NG QC HALL

Ipinatigil ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang planong pagpapagiba sa Simbahan ng Our Lady of Fatima habang wala pang kaukulang permiso mula sa QC Department of Building Official (DBO) ang mga nagsusulong nito.

Ang Our Lady of Fatima Parish Church na matatagpuan sa Cordillera Street sa Barangay Don Manuel ay pinaplanong ipagiba upang mapagtayuan ng bagong gusali ng simbahan na may kolumbaryo na maaaring paglagyan ng mga abo ng namayapang mga tao na may kaukulang bayad.

Ayon kay Engr. Isagani Verzosa Jr., hepe ng DBO, dapat munang dumaan sa tamang proseso ang anumang planong demolisyon upang hindi ito lumabag sa Presiden tial Decree 1096, lalo na sa isinasaad ng Sekyon 3 ng naturang batas.

Sa ilalim ng Seksyon 3, walang tao, kumpanya kasama ang alinman ahensya ng gobyerno ang maaring magtayo, magbago, mag-ayos, gumamit, umokupa, gumalaw, magpagiba at magdagdag ng gusali o istraktura o bahagi nito ng walang pahintulot o walang hawak na building permit mula sa Building Official na may hurisdiksyon sa lugar ng nasabing gusali o istraktura.

Inamin ni Verzosa na ang kanyang departamento, sa utos ni Mayor Herbert M. Bautista, ay mahigpit na ipinatutupad ang mga probisyon ng PD 1096 sa lahat ng proyektong ginagawa sa lungsod upang maiwasan ang anumang insidente na maaring mangyari na maisisisi sa pamahalaang lungsod at opisyales nito.

“We are very strict nowadays in the enforcement of the National Building Code because we do not want to be blamed if there are untoward incidents,” sinabi ng DBO chief.

Ayon kay Verzosa, ang cease and desist order na ipinadala kay Rev. Fr. Arthur Opiniano ng Our Lady of Fatima Parish ay naglalayon lamang na maiwasan ang anumang hakbang na hindi naaayon sa batas. Maureen QuiƱones, PAISO

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy