Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Friday, October 21, 2011

Pangulong Aquino Seryoso sa Pagpapatupad sa Land Reform Program ng Bansa

Pinabulaanan ngayon ni Agrarian Reform Secretary Virgilio de los Reyes ang paratang ng ilang civil society groups na di umano seryoso ang administrasyong Aquino na ipamahagi ang nalalabing 1.093 milyong ektaryang agricultural lands sa mga magsasakang benepisyaryo sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.

Ayon kay Secretary De los Reyes, puspusan ang ginagawang trabaho ngayon ang Department of Agrarian Reform o DAR para maunahan ang taong 2014 deadline sa land distribution, at inaasahang maabot ang 200,000 ektaryang target na maipamahagi bago matapos ang taong kasalukuyan.

Sinabi pa ng kalihim na ang budget para sa landowners compensation ay nagawan na ng kaukulang solusyon na di tulad dati na ang kakulangan sa pondo para rito ang siyang pinakamalaking balakid sa programa ng land distribution.

Ipinunto pa ni Secretary De los Reyes na ang malinaw na indikasyon na seryoso si Pangulong Aquino na tapusin ang agrarian reform ay makikita sa 2011 budget at sa proposed 2012 budget. Nakapaloob sa 2011 budget na popondohan ang land acquisition and distribution target ng DAR at ganoon din sa 2012 proposed budget. Norman Tamayo, PAS-DAR

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy