Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Wednesday, November 2, 2011

BFAR 5, itinampok mga pagkaing gawa sa damong-dagat

Damong- dagat (seaweeds) spaghetti ?, leche flan ? . . . Totoo , dahil ito ang ilan sa itinampok na produktong pagkain gawa sa damong- dagat sa ginanap na 7th Agriculture and Fisheries Technology Forum and Product Exhibition ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources -Regional Fisheries Research and Development Center 5 (BFAR-RFRDC).

Ayon kay RFRDC Manager Aida Andayog na siyang namahala sa ginanap na technology demonstration, batay sa kanilang presentasyon, ang seaweeds na ang mga local na barayti ay kilalang “gulaman dagat , guso, o tambalang ay masusustansyang produkto. Mababa ang taglay na calorie, at ang sugar at fats nito ay madaling matunaw. Mayroong nucleic acid tulad ng RNA at DNA, at mga phytochemicals tulad ng carotenoids, protein at fiber.

Ang mga produkto na dinagdagan ng seaweeds ay madaling ihanda, madaling iluto at masarap kainin . Maraming mga lutuin na masasarap, masusustansya at makakayanang ihanda gamit itong mga “value added products “ mula sa seaweeds. Ngayong malapit na ang Kapaskuhan, ang spaghetti at leche flan, ay hindi maaaring hindi ihain sa hapag-kainan, at ang seaweeds spaghetti at seaweeds leche flan ay maari ninyong gawing karagdagan sa inyong listahan ng mga ihahanda . Sa mga nagbabalak na may pagkakakitaan , ang return of investment sa paggawa ng seaweed spaghetti ay 35.48% at ang sa leche flan ay 26.50%.

Ang pagbuo ng mga produktong gawa sa seweeds ay kasama sa proyekto ng ”Product Development/Improvement and Commercialization of Seaweeds in Bicol Region “, at pinundohan ito ng Bureau of Agricultural Research. Layunin ng proyekto na isunod sa pamantayan (standardize) at ikomersyal ang seaweeds at mga “processed seaweeds products” upang maging kompetitibo ito sa merkado.

Ang iba pang mga seaweed-based processed products na dinibelop ng BFAR-RFRDC ay : morcon,chocolate bars, juice, jam, lumpia, longganisa, tart at yema. RMagno, DA-AFIS

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy