Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Wednesday, November 9, 2011

MGA BATAS AT DESISYON TUNGKOL SA CARP NASA DAR WEBSITE NA

INILUNSAD ng Kagawaran ng Repormang Agraryo ang Legal Information System sa kanilang website upang maging mas madali sa publiko na malaman ang mga batas na may kaugnayan sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program katulad ng RA 6657, 7881, 7905, 8503 at 9700 gayundin ng mga desisyon ng korte sa mga kaso ng mga magsasaka at nagmamay-ari ng lupa.

Ayon kay Atty. Meyose G. Libunao, Vice President ng CD Asia na nagsagawa ng nasabing karagdagang dagdag impormasyon hinggil sa mga patakaran at pagpapatupad ng CARP ay tinatayang na 8,000 dokumento ang kasalukuyang naipasok na sa nasabing website ng DAR kabilang na ang mga Memorandum Orders at Circulars subalit hindi umano kasama dito ang mga may kinalaman sa mga kawani nito.

Binigyang diin ng CD Asia na ang lahat ng mga dokumentong ina-‘upload’ nila sa website ay mula sa Legal Department ng ahensya sa pamumuno ni Undersecretary Anthony Parungao at inaasahan umanong matatapos ito sa Pebrero 2012.

Sinasabing ang CD Asia ang siyang nanguna at karanasan sa ganitong uri ng trabaho sa larangan ng paglalathala ng mga legal na dokumento o anumang may kinalaman sa batas at legalidad sa loob ng 17 taon.

Sa panayam kay Secretary Virgilio Delos Reyes na layunin umano ng DAR na maging ‘transparent’ at maibigay ang tamang impormasyon lalo na sa mga magsasaka ng tamang hakbang na kanilang dapat gawin. Magiging madali rin sa mga Legal Officers ng ahensya ang pagsasaliksik upang ang mga kasong matagal nang nakabinbin sa kanila ay mapabilis at mabigyan ng karampatang aksyon.

Magbibigay din ito ng pagkakataon sa publiko na maibigay ang kanilang suhestyon at reklamo diretso sa kalihim ng agraryo. Isinalin din ang mga dokumento sa tagalog upang madaling maunawaan ang mga batas ng mga ordinaryong Pilipino. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy