Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Thursday, November 17, 2011

Mga manggagawa, nagpiket sa harap ng Meralco laban sa mataas na singil sa kuryente

Nagpiket ang mga manggagawa, sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, sa harapan ng opisina ng Meralco sa Pasig para kondenahin ang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan, at sinabing dapat pigilan ng gobyernong Aquino ang Meralco at ang mga generation sources nito na lalong pang pataasin ang pinakamataas nang singil sa kuryente sa Asya at sa halip ay itaas ang sahod ng mga manggagawa sa bansa, na isa sa mga pinakamababa sa buong mundo.

Tataas ng P0.44 kada kilowatt-hour ang generation charge ng Meralco, ang pinakamalaking tagapaghatid ng kuryente sa bansa. Animnapung porsyento ngkabuuang singil sa kuryente ang generation charge.

Noong Oktubre, nagtaas din ang singil ng Meralco nang P0.1419 kada kilowatt-hour dahil din sa mas mataas na generation charge.

“Kinokondena namin ang gobyernong Aquino sa pagpayag na huthutin ng malalaking ganid na mga korporasyong ito ang kakarampot na ngang sahod ng mga manggagawa at mamamayan sa pamamagitan ng pagpapahaba pa ng implementasyon ng Epira. Dumoble lamang ang mga bayarin mula nang naipatupad ang Epira,” ani Roger Soluta, secretary-general ng KMU.

Bago ang pinakahuling pagtaas ng kuryente, sinabi ng KMU na mahigit 10% ng buwanang sahod ng isang minimum wage earner sa National Capital Region ay napupunta lamang sa pagbabayad ng kuryente.

Pinahihirapan ang mga Pilipino ng mga presyo at bayarin sa kuryente na pang-First World at sahod na pang-Third World. Mabigat para sa mga manggagawang kunikita ng minimum wage at mas mababa pa ang P58.19 o P116.38 na pagtaas ng bayarin sa kuryente sa loob ng dalawang buwan,” ani Soluta.

Dagdag pa ng KMU, ang nasabing pagtaas ay lalo lamang makakapagpababa ng tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa sa bansa na isa na nga sa pinakamababa sa mundo.

Isang pag-aaral na inilabas ng UBS (dating Union Bank of Switzerland) noong Agosto 2011 ang nagpakita na sa isang survey ng 72 syudad, ikalawa sa pinakamababa ang sahod sa Maynila, habang sa Mumbai, India ang pinakamababa. Ayon dito, Ppngatlo rin ang Maynila sa may pinakamababang domestic purchasing power.

“Dahil sa nagtataasang presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo dulot ng oil price hikes, toll fee hikes at ngayon, electricity rate hikes, inaasahan naming lalo pang lalala ang kagutuman at kahirapan sa ating mga manggagawa,” aniya.

Pinapatunayan ng dalawa sa pinakahuling survey ng Social Weather Station na higit ngang nagugutom at naghihirap ang mga manggagawa at mamamayan. Pinapakita ng survey noong nakaraang buwan na tumaas ng 6.4 porsyento ang tantos ng kagutuman mula Marso, pinakamataas sa gobyerno ni Aquino, habang ang survey ngayong linggo lamang ay nagsasabing tumaas ang self-rated poverty sa 52 porsyento mula sa 49 porsyentong narehistro noong Hunyo.

“Ginigiit namin sa gobyernong Aquino na kontrolin ang presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo. Ginigiit namin sa gobyernong Aquino na ibigay ang makabuluhang dagdag-sahod na kagyat na kailangan ng mga manggagawa,” sabi ni Soluta.

Isinusulong ng KMU ang pagpapatupad ng P125 Wage Hike Bill na naka-file sa kongreso. Roger Soluta, KMU Secretary General

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy