Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Tuesday, November 15, 2011

NAIPONG MGA DROGA, SINUNOG NA SA IKATLONG PAGKAKATAON-PDEA

UMAABOT sa 81,693.13 na gramo o mahigit 80 kilong mga ipinagbabawal na gamot ang sinunog ngayon (Nobyembre 15, 2011) sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martires, Cavite.

Nagkakahalaga sa 398,718,290.97 na naipong shabu, marijuana, ephedrine, ecstacy, cocaine, valium, ‘expired’ na gamot at opium poppy seeds ang sinilang sa ‘Thermal Decomposer’ na taong 2003 pa ng ito’y nabili sa Canada.

Ayon kay G. Choy Corsiga, Plant Superintendent ng IWMI na pag-aari ni Alberto Lina na ang nasabing ‘Thermal Decomposer’ ang nagsisilbing ‘insulator’ kung saan umaabot sa mahit 24 oras bago tuluyang matupok ang mga sinunog na ipinagbabawal na gamot.

Sa panayam kay G. Dante Pahilagao, In-Charge, Thermal Operation ay may kakayahan ng init na umaabot ng 1260oC na nilagyan ang paligid ng Fiber Ceramic upang hindi tumagos ng husto ang init sa labas. Nasa 5 hanggang 7 toneladang mga ipinagbabawal na gamot ang kayang ikarga sa nasabing ‘Thermal Decomposer’, depende sa laki ng pinaglagyan.

Ang nagsisilbing ‘insulator’ ay may tatlong bahaging dinadaanan bago tuluyang maging tila uling na abo. Ito ay ang ‘pre-heat’, ‘process’ at ‘cool down’. Didiretso umano ito sa isang ‘chamber’ kung saan ang mga natitirang ‘gasses’ na likha ng mga sinunog na droga ay tuluyang mawala. Tinitiyak din ni G. Corsiga at Pahilagao na wala umanong usok na lalabas mula rito na makakasama sa lugar maging sa mga tao na malapit sa lugar.

Ang pagsunog ng mga mapanganib na droga ay batay umano sa Section 21, Article II ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, DDB Regulation No. 1, Series of 2002.

Ang isinagawang pagsunog ng PDEA sa pamumuno ni Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ng mga naipong iba’t-ibang uri ng ipinagbabawal na gamot ay ikatlong pagkakataon na. Mula Enero 2011 nasa 9,850 ay mula sa isinagawang operasyon, 8,491 ay sa mga naaresto at 9,995 naman ang mga kasong naisampa sa korte.


Sinasaksihan ito ng mga ibat’ibang opisyal mula sa lokal at nasyonal na pamahalaan na kinabibilangan nina Aguado Barangay Captain Jaimer Sierra, Trece Martires-Cavite Chief Prosecutor Crisostomo Dario, Public Attorney’s Office Deputy Chief Atty. Macapangcat Mama, DDGA, PDEA Assistant Secretary Rene M. Orbe, Dangerous Drugs Board Executive Director Undersecretary Edgar Galvante, CCOPS NGOS, Inc. Chairman Thomas T. Po, dating PDEA Deputy Director General for Operations Rodolfo N. Caisip, DDB Legal Consultant Atty. Cesar Posada at Rotary Club 3800 Bobot Sarmiento.

Sa iniwang mensahe sa pakikipanayam natin kay PDEA Chief Gutierrez na ninanais umano ng kanilang ahensya na ikulong at parusahan ang mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot at iligtas ang mga gumagamit subalit sa dinaluhan nyang Forum sa PICC kahapon (Nobyembre 14) na nakita ng korte na naabuso ang ganitong kaisipan sa maraming pagkakataon.

Aniya, ang mga hukom ay tinitignan pa rin ang kalagayan ng mga nahuhuling gumagamit na mabigyan ng pagkakataon ngunit kung paulit-ulit umano na ganito na ibinababa ang kanilang kaso bilang gumagamit (user) lamang ay dapat na ring ituring na nagtutulak (pusher) ang kategorya upang mapatawan ng karampatang parusa nang hindi na pamarisan ng ilang kababayan na gumagawa ng kaprehong uri ng paghahanapbuhay. Cathy Cruz, DWAD Lingkod Bayan

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy