Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Sunday, November 13, 2011

PALIHIM NA PAG-USAD NG CHA-CHA, PINANGANGAMBAHAN NG GABRIELA

NAGLUNSAD ng kilos protesta ang grupo ng Gabriela sa pamamagitan ng sayaw ng 100 kababaihan sa harap ng Kongreso sa Lungsod ng Quezon kaugnay sa palihim na pag-usad umano ng Charter Change dahil sa pagkategorya nito bilang 4th mode o ang ibig sabihin ay tulad lamang ito ng mga ordinaryong batas gayong sangkot dito ang soberenya ng bansa.

Ayon kay KJ Abad, Secretary General ng Gabriela na tinututulan umano nila ang Cha-Cha dahil pagbibigay laya sa lahat ng mga dayuhang imbestor na magmay-ari ng mga lugar na pampubliko, negosyong pribado at kahit pag-aari ng pamahalaan dahil sa pagtutulak ng administrasyong Aquino ng programang ‘public-private partnership’.

Nangangamba umano ang grupo ng Gabriela dahil walang pag-iisip ang Pangulong Aquino sa kapakanan ng taumbayan at sa katotohanan ay tila ibenebenta ang ating bayan nang hindi natin namamamalayan.

Panawagan ng Gabriela sa sambayan na bantayan ang pagpupumilit ng pagtutulak ng Cha-Cha sa Kongreso at patuloy na tutulan ito at sa halip obligahin ang gobyerno na gumawa ng hakbangin para sa pagpapaunlad ng bansa upang makalikha ng trabaho at walang magugutom na Pilipino. Cathy Cruz

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy