Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Thursday, December 22, 2011

CLMA@30 GINANAP SA BULACAN

Sa bihirang pagkakataon, muling nagsama-sama sa bayang ito ang mga mamamahayag sa buong Gitnang Luzon para sa 30th Annual Convention at Election of Officers ng isa sa pinakamatagal at pinakaaktibong Regional Media Organisation sa bansa, ang Central Luzon Media Association.

Sa temang “ Awake, Aware and Active Informers on the Urgency of Climate Change Mitigation” muling nagkita kita ang mga delegado buhat sa lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales na bumubuo sa Region 3 at nagtungo sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Disyembre 16 at 17, 2011 upang maghalal ng panibagong pamunuan.

Sa plenary session ng grupo, nagbigay ng mensahe tungkol sa solid waste management si Ms. Belle Cabezo, hepe ng Environmental Sanitation ng Department of Environment and Natural Resources Region 3 kasunod ng mensahe ni CLMA Past President at kasalukuyang KBP Executive Vice President Francis Cardona kung saan pinahalagahan nito ang mga kasamahan niya na naging pangulo ng samahan at ang pagsasalaysay ni Past President Abel Pablo ng makulay na kasaysayan ng CLMA.

Nahalal bilang Pangulo ng CLMA para sa taong 2012 si Thony Arcenal ng Bulacan at pinalitan si Joy Franklin Gonzales ng Tarlac. Kasabay ng halalan ng mga regional officers ay ginanap rin ang paghahalal ng mga mamumuno sa mga provincial chapters.

Kasama na nahalal ni Arcenal ang GMA News Stringer/Correspondent buhat sa lalawigan ng Aurora na si Ronald Madrid Leander bilang Executive Vice President at nakahilera bilang susunod na pangulo pagkatapos ni Arcenal.

Susuportahan ng mga Past Presidents ang dalawa para patakbuhin at muling palakasin ang CLMA sa susunod na taon na kinabibilangan nina Alma Ochotorena ng Pampanga at Reynaldo Soriano ng Zambales na muling manunungkulan bilang Vice President for Print at Broadcast ayon sa pagkakasunod. Muli ring maglilingkod bilang opisyales sina Estrella Gallardo at Jimmy Benzon na parehong tiga-Bataan bilang Auditor at Chief marshal at si Joy Franklin Gonzales ng Tarlac bilang Business Manager. Estrella Z. Gallardo, Philippine Science Journalist Mega Manila

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy