Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Tuesday, December 14, 2010

EPEKTIBO ANG OVITRAP-DOST

EPEKTIBO ANG OVITRAP-DOST
NAGKAROON ng isang ‘Round Table Discusssion on Ovicidal Trap System’ noong Disyembre 7, 2010 sa Traders Hotel na pinangunahan ni Academician Jaime C. Montoya, Member, Health Science Division at Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).
            Si Ms. Annabelle V. Briones, Chief Science Research Specialist, Chemicals and Energy Division, Industrial Technology Development Institute (ITDI) ang nagbigay ng resulta tungkol sa pag-aaral at datos na nakalap nila sa inilagak na OVITRAP sa Barangay Bagbag, Quezon City gayundin sa Marikina. Dahil sa nagging matagumpay ang ginawang OVITRAP ay gagawing ‘pellet’ ang dati-rating likido na inihalo sa tubig ng OVITRAP.
            Sa panayam kay Dr. Jesus Sarol, Jr. ng College of Public Health, UP Manila kung saan siya ay isa lamang sa grupo na nagsagawa ng disenyo ng OVITRAP na ang nasabing aktibidad na ginawa sa Bagbag at Marikina ay layuning malaman lamang kung gaano kaepektibo ang pamamaraan ng OVITRAP upang makahikayat sa insektong lamok na nagdadala ng sakit na ‘Dengue Fever’.
Inaasahan na magkakaroon ng malawakang pagsasagawa ng OVITRAP sa lalawigan ng Tacloban bilang pagsusubok ng malawakang pakikiisa ng komunidad. Ayon kay Dr. Nelia Salazar na sa matagal nyang pag-aaral, pagsasaliksik at pagtuturo na kahit ano ang gawin ng pamahalaan na mga proyekto ay mananatiling epektibo ito ay kung mararamdaman ng komunidad ang magandang epekto ng mga tuklas ng mga paham. Kinakailangang bigyan ng partisipasyon ang bawat mamamayan ng isang komunidad o barangay upang matutunan nilang pagmalasakitan ang anumang proyektong ibinababa ng pamahalaan. Aniya, masidhi at patuloy na malawakang pagtuturo sa barangay upang mga kalinisan at kalusugan ng bayan ay umusad.
Sa ginawang OVITRAP matatandaan na dalawang latang nababalutan ng itim ang inilagak sa nabanggit na lugar na kapwa may tubig na nakalagay subalit ang isang lata ay may ‘test solution’ na ‘formula’ ng DOST na magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin puwedeng ilabas ang nasabing ‘formula’ pagkat nasa estado pa ng pag-aaral at obserbasyon. Tinatayang ang OVITRAP ay nasa 85% na epektibo na nakakapagpapabawas ng tinatawag na ‘Aedes Mosquito’ na syang nagdadala ng ‘Dengue’ sa nakakagat nito.

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy