Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Tuesday, December 14, 2010

PWD BIGYAN NG SAPAT NA SERBISYO


INTERNATIONAL DAY NG PWD GINUNITA
BILANG paggunita sa “International Day of Persons with Disabilities” ay nagkaroon ng selebrasyon ang marami nating kababayan na may kapansanan noong Disyembre 3, 2010 sa Skydome SM North EDSA na may temang “Keeping the Promise: Mainstreaming Disability in the Millenium Development Goals” na pinangunahan nina Mr. Ming Barapantao at Ms. Carmen Zubiaga.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan iba’t-ibang lider at kasapi ng PWD at sinuportahan ng ilang sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Transportation and Communications (DOTC), Department of Environment and Natural Resources (DENR), House of Representative, National Council on Disability Affairs, Philippine Information Agency, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND), Department of Social Welfare and Development (DSWD), SM Supermalls ng Office of Disability Affairs, Philippine Academy of Rehabilitation Medicine, Nova Foundation for Differently-Abled Persons Inc., Women With Disabilities Leap to Social and Economic Progress, Autism Society of the Philippines, Leonard Cheshire Disability Foundation-Young Voices, New Vois Association of the Philippines Inc., Philippine Association for Citizens with Developmental & Learning Disabilities Inc., Parents Association of Visually Impaired Children (PAVIC), Katipunan ng mga Kawal na may Kapansanan Inc. (KKKI), Philippine Sports Association for the Differently-Abled (PHILSPADA-NPC), Philippine Federation of the Deaf (PFD), Life Haven, Cerebral Palsied Association of the Philippines Inc., (CPAP), Katipunan ng May Kapansanan sa Pilipinas Inc. (KAMPI), at Alyansa ng may Kapansanang Pinoy Inc. (AKAP-Pinoy).
Naging kapansin-pansin lamang na ilang PWD ang nahirapan sa pag-uwi pagkatapos ng naganap na International Day ng PWD dahil ilan sa mga ito ay nakita pa namin na matiyagang pinagugulong ng isang naka-‘wheel chair’ ang kanyang nagsisilbing sasakyan at paa sa kanyang pag-uwi sa may Quezon Memorial Circle habang walang alintana syang nakikipagsabayan sa mga nagbibiyahe ring bus at jeep. Ilang katulad pa kaya nyang PWD ang totoong bibigyang pansin ng ating pamahalaan na mabigyan ng lugar sa kalsada ang mga katulad na kalagayan ng PWD na ito?
Gayundin, malaking magagawa ng lokal na pamahalaan upang ang bawat barangay ay magkaroon ng tunay at puspusang pagbibigay ng proyekto o pagsasanay upang maging daan nila upang sila ay kumita at maitaguyod din nila ang kanilang pamilya.
Marami pa ring PWD ang wala sa nasabing selebrasyon subalit isa lamang ang sigurado lahat sila ay umaasam na mapabilang sila sa ‘Millenium Development Goals’ na gustong maisakatuparan ng ating bansa dahil tulad ng karaniwang tao sila man ay kabilang pa rin ng isang pamayanan.

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy