Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Tuesday, December 14, 2010

PDEA PUSPUSANG PAGSASANAY GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA


PDEA PUSPUSANG PAGSASANAY GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

DAHIL sa masidhing pagnanais na masawata ang pagpasok, pagkalat at makabagong istilo na ginagawa ng mga sindikato ng droga sa bansa, si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago ay nagsasagawa nang puspusan ng 5-araw na pagsasanay sa paggamit ng armas sa PDEA Academy, Silang Cavite na kaugnay sa paghahanda ng paggamit ng mga makabagong kagamitan sa agarang pagpapakalat ng mga operatiba sa bansa.
            Naganap ang pagbabasbas ng 120 units ng TAVOR Assault Rifle CTAR 21 (Commander Tavor Assault Rifle) sa Tanggapan ng PDEA noong Disyembre 14. Ang nasabing ripple ay gawa sa Israel at ito ay itinuturing na mas mabisa kaysa sa M16 dahil tinatayang nasa 15 rounds/second ang ibinubuga ng nasabing armas. Kasabay ding binasbasan ang Global Positioning System (GPS) na gagamitin din ng mga operatiba gayundin ang mismong paglalagakan ng biniling riple.
            “Kung hindi makuha sa santong dasalan ay dadaanin sa santong paspasan”, mensaheng patungkol sa mga kalaban ng estado lalo na sa mga ‘druglords’. Aniya inaasahan nyang ang mga makabagong armas ng PDEA ay magreresulta sa pagkabawas ng namamatay sa kanilang panig ngunit pagtiyak din na ang TAVOR ay gagamitin lamang sa mga matitigas ang ulo subalit may pag-iingat nang paggamit ng mga operatiba ng nasabing ahensiya.
Ang nasa apat na libong aplikante ang nagsubok na mapabilang sa mga magiging operatiba ng PDEA ay naging na 165 lamang na sasanayin sa paggamit ng makabagong armas ng PDEA sapagkat sinisiguro ang masusing pagsasanay at nagtataglay ng mabuting ‘track record’. Ayon pa ring sa matapang na Senior USEC Santiago na bagaman ang ilan ay hindi nakapasa dapat pa rin nilang ipagmalaki pagkat sila ay naging kabahagi ng kanilang tanggapan.
Dagdag pa ng PDEA Chief na kanilang itinama at inayos ang depensa sa kanilang panig pagkat sa kasalukuyan sinisikap nilang ang mga sindikato ng droga ay hindi na makakapasok sa bansa sapagkat sa mga karatig bansa pa lang ay nakikipag-ugnayan na sila tulad ng mga bansang Tsina, Malaysia at maging sa Thailand.
-30-

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy