Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Friday, November 11, 2011

Dahil Pinoy Ka, Atin Ito! - Leads Agri




KAMAKAILAN nagsagawa ang Leads Agri Products ng kampanya Iwas Dengue sa Sitio Palanas, Barangay Vasra sa Lungsod Quezon na may temang Puksain ang Kitikiti, Sugpuin ang Dengue.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng proyekto ng mga mag-aaral na kawani ng Philippine Information Agency sa De La Sale College of St. Benilde School of Professional and Contuing Education Public Relations Class 2011 sa pamumuno ni Cecille Ayllon.

Nagkaroon ng “Puppet Show” ang mga taga Philippine Information Agency sa mga kabataan at magulang upang makaiwas sa dengue. Kasabay din nito ay nagkaroon ng pagbigay-kaalaman sa komunidad ang mga taga Department of Health na pinamunuan ni Dr. Ruben Sapno, Division Chief ng Infectious Diseases Development kasama rin sina Nancy Guarino at Joy Jardinero.

Naging kaakibat din ang Pharmacia Jimenez Corp sa pamamagitan ni Ginoong Rene Arganda na nagkaloob ng mga libreng pamahid sa katawan kontra lamok habang ang grupo ng Leads Agri Products ay sinuyod ang mga lugar sa Sitio Palanas at nagsagawa ng ‘misting operation’.

Taong 1997 nang unang pumalaot sa industriya ang Leads Agri na tumutulong at higit na nakauunawa sa mga pangangailangan ng mga magsasakang Pilipino. Layunin ng nasabing organisasyon na maisulong ang pagsasaka sa bansa kaya naman taong 2008 simulan nilang magkaloob ng Educational Scholarship sa mga nagnanais na mag-aral ng kursong Agrikultura sa pamamgitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Isa lamang ang Barangay Vasra sa maraming mahihirap na komunidad sa bansa ang mapalad na nabigyan ng libreng serbisyo at produkto ng Leads Agri, upang tiyakin na mailigtas ang buhay ng kapwa Pilipino dulot ng nakamamatay na dengue. Cathy Cruz, DWAD Lingkod Bayan

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy