Search This Blog

Loading...

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Friday, November 11, 2011

MAAGANG PAMASKO SA MGA TAGA-QC HALL

Maagang madarama ngayon ng mga kawani ng Quezon City Hall ang pagdiriwang ng Kapaskukhan dahil sa ipinag-utos na ni Mayor Herbert Bautista ang pagbibigay sa kanila ng tradisyonal na Christmas bonus simula ngayong Nobyembre.

Sa pamamagitan ng isang memorandum circular, inatasan ni Mayor Bautista ang city budget office ng lungsod na maglaan ng pondong kakailanganin upang maibigay ang mga benepisyo ng mga empleyado ng ciudad simula bago makalampas ang ika-30 ng Nobyembre hanggang sa Disyembre 16.

Kabilang sa mga makikinabang sa naturang kautusan ang lahat ng elective at appointive regular plantilla employees na nasa ilalim ng permanent/temporary/co-terminus status na tatanggap ng year-end bonus na katumbas ng kalahati ng basic salary ng bawat empleyado at 50% cash gift na nagkakahalaga ng P2,500.

Tatanggap din ng “Pamaskong Handog” mula P4,000 hanggang P10,000, batay sa kanilang buwanang kita, ang mga full-time consultant ng lungsod samantalang ang mga job contract employee na may buwanang sahod na P12,000 o higit pa ay tatanggap ng cash gift na P8,000 at halagang P6,000 naman para sa mga kawaning sumasahod ng hindi hihigit sa P12,000 kada buwan.

Ang mga special project personnel, kabilang na ang mga senior citizen volunteer, community health worker, Muslim asatidz (guro) at pre-school kindergarten teacher ay tatanggap ng P2,000.

Magbibigay din ang pamahalaang lungsod ng good governance incentive na katumbas ng isang buwang sahod sa mga regular plantilla personnel nito, at katumbas ng kalahati ng buwanang sweldo naman para sa mga kawaning saklaw ng contract of service. May flat rate incentive na P2,500 para sa mga personnel na nagtatrabaho sa mga special project ng lungsod. Rico/ Maureen QuiƱones, PAISO

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy