Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts
Showing posts with label OPS NEWS. Show all posts
Showing posts with label OPS NEWS. Show all posts

Wednesday, July 27, 2011

Sa SONA ng Pangulo, bagong Ombudsman itinalaga na?

SA KALAGITNAAN ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ay inanunsiyo na nito ang napili na susunod na Ombudsman na si retired Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales.

Sinabi ng Pangulo na sa pagpasok ng bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales ay magkakaroon na tayo ng tanod-bayan at hindi tanod-bayad ng mga nagwawang-wang sa pamahalaan.

Ayon sa pangulo, inaasahan nya na sa taong ito, masasampahan na ng kaso ang lahat ng nagkutsabahan sa katiwalian, na naging sanhi kung bakit naging ganito ang situwasyon ng bayan. Matatapos na rin di umano ang panahon kung kailan nagsasampa ang gobyerno ng malalabnaw na kaso.

Kapag ang gobyerno umano ang nagsampa ng kaso sa ngayon ay may matibay na ebidensya, malinaw ang testimonya, at siguradong walang lusot ang salarin, ayon pa sa Pangulo.

Tututukan umano ng pamahalaan na makamit ang ganap na katarungan ay hindi matatapos sa pagsasakdal lamang kundi sa pagkakulong ng may kasalanan.

Buo ang paniniwala ng Pangulo na tutupad ang DOJ sa tungkulin dahil malaki ang kanilang bahagi upang mai-pakulong ang mga salarin, lalo na sa mga kaso hinggil sa tax evasion, drug trafficking, human trafficking, smuggling, graft and corruption, extra judicial killings at maraming iba pa.

“We have consistently emphasized the need to have an Ombudsman who shall act for and in the interest of the Filipino people, one who shall not let Garcias and Bolantes go scot free without answering to the people,” wika naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Naniniwala si Pangulong Aquino na sa pag-upo ni Morales bilang bagong Ombudsman ay masasampahan ng kaso ang mga tiwali na sangkot sa mga anomalyang nabungkal ng kasaluku¬yang administrasyon.

“We wish Ombudsman Carpio-Morales luck, and we are confident that she will not fail to be what our people expect – a true Tanod ng Bayan,” ayon pa kay Sec. Lacierda. Raffy Rico/ Jimmy Camba

SONA NG PANGULO SINALUBONG NG PROTESTA

BAGO pa man nagsimula ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nitong nakaraang July 25 taong kasalukuyan, sinalubong na ito ng protesta mula sa ibat-ibang militanteng grupo na hindi sumasang-ayon at hindi kuntento sa nangyayari sa bansa natin sa ngayon.

Humigit kumulang sa 8,000 ang nakilahok sa nasabing protesta na kinabibilangan ng ibat-ibang grupo na nagmula pa sa malalayong lugar, ang mga ito ay nagsa¬ma-samang nagmartsa pa¬tu¬ngong Philcoa, Quezon City bago humimpil sa Commonwealth Avenue, IBP Road, Batasan Hills at Litex Road, at sa St. Peter Parish Church na kung saan doon ang itinalagang lugar ng kapulisan sa kanila para magsagawa ng programa.

Bago nagsimula ang SONA tinangka ng grupo na buwagin ang hanay ng kapulisan para makalapit sa pagdarausan ng SONA hindi nakalapit ang mga ito dahil hindi sila pinayagan ng tropa ng Quezon City Police District.

Hindi na nagpumilit ang grupo na makapasok kung kaya’t doon na mismo nila isnagawa ang programa na kung saan tinuligsa ng mga ito ang dati pang ipinangakong pagbabago ng pangulo noong nakaraang SONA na magpahangang sa ngayon umano ay hindi pa rin natutupad, katulad ng prog¬rama sa social change at trans¬formation at ang political at economic reforms.

Isa sa naging sentro ng programa ang pagsunog sa dambuhalang effigy ng Pangulong Noynoy Aquino,¬ pagpipinta ng naglalakihang ibat-ibang larawan ng pangulo na nagsisimbolo ng ibat-ibang pakahulungan na walang maaasahang tibay at pag-asa umano sa nakaupong pangulo, ayon sa mga nag poprotesta. Raffy Rico/ Jimmy Camba

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy