Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Thursday, March 31, 2011

“WORLD TB DAY 2011” INILUNSAD SA BRGY. PAYATAS



Nasa larawan si Barangay Chairwoman Rose Dadulo (panlima mula sa kanan)matapos ipagdiwang ang World TB Day sa Barangay Payatas, Lungsod Quezon kamakailan, ang  nasabing programa ay  may temang “Ako Ang Susugpo sa TB”, kasama   ang mga kagawad at mga panauhin na sina, DR. Irma Asuncion, Regional Director, CHD, NCR, DOH; Dr. Antonieta Inumirable, Cty Health OFFICER III, Quezon City Health Department’ Dr. Shoko Ogawa, Second Secretary, Health Attache, Economic Section, Embasy of Japan.(RAFFY RICO/JIMMY CAMBA)



PINANGUNAHAN ni Chairwoman Rose Dadulo ang pagdiriwang ng “World TB Day 2011”kamakailan, kasama ang mga kagawad, Staff at mga kabarangay.Ang nasabing programa ay may temang “Ako Ang Susugpo sa TB” at ito ay ginanap mismo sa Covered Court tabi ng Barangay Hall, Area-B Barangay Payatas Quezon City.

Naging panauhin sa nasabing okasyon sina, Dr. Irma Asuncion, Regional Director CHD, NCR, DOH; Dr. Antonieta Inumirable, Cty Health OFFICER III, Quezon City Health Department’ Dr. Shoko Ogawa, Second Secretary, Health Attache, Economic Section, Embasy of Japan. Dinaluhan din ito ng ibat-ibang sector sa National Capital Region(NCR).

Kasabay sa pagdiriwang ng World TB Day 2011, nagakaroon naman feeding program ang Agrarian Reform Middle Management Association Inc.,ng DAR, sa pangunguna ni  Violeta M. Bonilla, President, ARMMA.
Sa magkaparehong araw ginanap din ang Barangay Assembly, kasabay sa Inauguration ng Brgy. Library na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Brgy. Hall  at ang MOA Signing ng St. as DOTS Facility.(RAFFY RICO)


No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy