KUHA sa larawan ang Secretariat ng Phillippine Disaster Recovery Foundation, Inc. (PDRF) na sina (mula kaliwa) Elvira Gumanlan, Joyce Panaligan, Nova Clotario-Concepcion at Lielzl Lim habang kinakapanayam ni Cathy Cruz sa programa ng Lingkod Bayan sa DWAD si Mr. Dennis Flores, Coordinator, Reforestration Committee, PDRF na pawang mula sa Smart Communications, Inc. (Larawan ni Jimmy Camba) RAFFY RICO
NAGSAGAWA ng Exhibit Road Show ang Philippine Disaster Recovery Foundation, Inc. sa SM North kaugnay sa 2011 International Year of the Forest at sa masidhing kampanya nila upang maisaayos ang Marikina Watershed na naging dahilan ng matinding kalamidad na naranasan ng Kalakhang Maynila nang bagyong Ondoy.
Ang nasabing exhibit ay isang paraan ng PDRF upang maipaalam sa publiko na hini lamang basura o malakas na ulan ang naging dahilan kundi higit ang pagkawala ng mga puno sa lugar ng Antipolo.
Matatandaan na 60% ng kabuuang 26 libong ektarya ng Marikina Watershed ay Antipolo kasama pa rin ang mga lugar ng Baras, San Mateo at Montalban. Maituturing na ang Antipolo ay bahagi pa rin ng bundok Sierra Madre na unti-unti nang nakakalbo dahil sa pagbabago mula sa agrikultura patungo sa paglalagay ng mga pribadong pabahay gayundin ng pag-uuling na syang kabuhayan ng mga residente ng Antipolo.
Ayon kay G. Darwin Flores, Senior Manager ng Community Partnerships, Smart Public Affairs na ang kanilang organisasyon ay nilalalyon na mapanumbalik ang mga puno sa kabundukan na syang malaking tulong sa bawat nilalang sa daigdig na ating ginagalawan.
Aniya, dalawang hakbangin o pamamaraan ang kanilang ginagawa ngayon upang matiyak na ang mga itinanim na mga halaman o puno ay mabuhay, ito ay sa pamamagitan ng siyensya at partisipasyon ng mga komunidad o mga taong naninirahan sa mismong mga nabanggit na lugar.
Maraming mga kinaharap ang kanilang organisasyon upang maisakatuparan ang kanilang adhikain, isa na rito ang suliranin ang pagmamay-ari ng lupa, kakulangan ng impormasyon ng mga tao sa komunidad, samu’t saring batas o panuntunan ng pamahalaan na nagkakapatong-patong at hindi nagreresulta sa iisang direksiyong daan patungo sa kabutihan ng kapaligiran at tao.
Tiniyak din ng PDRF na ang mga komunidad kung saan sila nagtatanim ng mga puno ang iba’t-ibang sector ay mabigyan din ng kabuhayan ang mga tao dito upang sa halip na pag-uuling o pagpuputol ng punong kahoy ang kanilang ikabuhay ay pagtatanim ng gulay o mga halamang pagkain upang makadagdag sa pagpaparami ng panustos na pagkain ng ating bayan. CATHY CRUZ, PSciJourn Mega Manila
No comments:
Post a Comment