Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Friday, May 20, 2011

SA PROBLEMA SA LANGIS, MAY LUNAS PA


Sinuportahan ng isang Konsehal ng Quezon City ang mga pagsisikap tungo sa pangmatagalang solusyon sa problema ng pagtaas ng presyo ng gasolina, sa pamamagitan ng renewable energy (RE) resources at green transport initiatives.

            Sinabi ni third district Councilor Gian Carlo Sotto, sa panukala nitong resolusyon na pansamantala lamang ang epekto ng mga pangmadaliang solusyon sa problema sa oil price hike, na hindi lamang nakaka-apekto sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, at ang problemang ito ay nangangailangan ng long term solution.

            Matatandaan na nagpatupad ang pamahalaan ng fuel subsidy sa public transport upang matulungan ang mga ito na makaagapay sa patuloy at madalas na pagtaas ng presyo ng gasolina.

            Ayon kay Sotto, ang ganitong uri ng program ay isang solusyon na may pansamantalang epekte.

            Batay sa mga pag-aaral, ang renewable energy alternatives at electric and hybrid vehicles ay magbibigay ng long term solution sa oil price hike at makakatulong din para mapalago ang iba pang bagong industriya.

            Sinabi ni Sotto na ang mga hybrid na sasakyan ay gumagamit ng tradisyunal na gasolina o diesel subalit mayroong secondary energy source tulad ng baterya na sumasalo sa enerhiya kapag nakahinto ang sasakyan.

Habang ang electric cars ay battery powered electric vehicles, na nangangailangang magpakarga ng kuryente.

            Sa isinagawang paglulunsad ng e-tricycle, nagpahayag ng suporta si Presidente Ninoy Aquino. Isa sa nakikitang magbibigay ng mahabang solusyon sa pagtaas ng gasolina ay ang paggamit ng electric tricycles na gumagamit ng kuryente sa halip na krudo.

            Maging si Senador Edgardo Angara, chairman ng Congressional Commission on Science and Technology and Engineering (COMSTE)  ay nagpahayag ng suporta sa bagong eco-jeepney program ng Department of Energy, na makakatulong na mabawasan paggamit ng langis. -30- Divine/ Maureen Quinones, PAISO

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy