Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Saturday, November 26, 2011

BIOINFORMATICS POSIBLENG MAKATULONG SA PAGPAPAUNLAD NG MEDIKAL AT AGRIKULTURA SA BANSA

NAGSAGAWA ang Philippine Association of Career Scientist (PACS) ng ika-5 Taunang Pagpupulong at Sayentipikong Talakayan ngayong ika-23 ng Nobyembre 2011 sa Sulo Riviera Hotel sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology-Scientific Career System (DOST-SCS).

Matatandaan na tinatayang nasa 114 na Sayentista ang nasa ilalim ng DOST-CSC Scientific Career System. 38 lamang dito ang nasa aktibong serbisyo sa pamahalaan subalit 7 rito ay retirado na, may sakit o hindi nasa administratibong paggawa at wala na sa aktuwal na laboratory upang patuloy na magsaliksik.

Naging tema ng usapan ang “Bioinformatics for Biomedical and Agricultural Development” kung saan tinalakay sa tatlong bahagi. Inilahad ni Dr. June B. Billones, Associate Professor and Director, Learning Resources center, UP Manila ang “Structural Bioinformatics”; Dr. Kenneth L. Monally, Sr. Scientist II, International Rice Research Institute ang “Bioinformatics in Rice”; Dr. Vincent Peter C. Magboo, Associate Professor, Department of Physical Sciences and Mathematics, UP Manila ang “Biomedical Informations”

Sa kabuuan, ang Bioinformatics ay isang uri ng teknolohiya gamit ang computer at uri ng programa o ‘flatform’ upang makalikha o makapag-imbento ng mga pamamaraan sa usaping pagpapaunlad ng medikal at agrikultura.

Sinasabing umaabot sa mahigit 10 taong bago tuluyang kilalanin at gamitin ang anumang uri ng teknolohiya. Ngunit nananatili pa ring ang ‘clinical laboratory research and development gamit ang hayop upang patunayan na ang nalikha sa pamamagitan ng ‘bioinformatics’ ay makatotohanan at epektibo na puwedeng pakinabangan ng tao.

Pagkatapos ng talakayan ay naggawad ng pagkilala ang PACS sa mga nagging tagapagsalita at nagkaroon din ng botohan ng panibagong opisyales ng PACS para sa taong 2012. Cathy Cruz, Philippine Science Journalist Mega Manila

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy