NAGLUNSAD ang Bangko Sentral ng Pilipinas Employees Association nang kampanya na talunin ng Pilipinas ang bansang Amerika sa “Guinness World Records” sa larangan ng pinakamahabang naipong bente singko sentimos na barya.
Katuwang ng BSP ang Bangko Sentral ng Pilipinas Officers Club sa pamumuno ng Pangulo ng nasabing samahan na si Dr. Gregorio C. Suarez II kasama ang Fouder at Chairman Emeritus ng Kabayanihan Foundation na si Alex Lacson..
Layunin din nito na makapaglikom ng ipampapatayo ng tatlong (3) pampublikong eskuwelahan sa bansa kaalinsabay din namailabas ang mga natatagong mga barya sa mga alkanya ng mga Pilipino.
Sinasabing nais makamit ng nasabing grupo ng mga kawani ng BSP ang 70 kilometro gamit ang baryang 25 senitmo. Ayon sa mga namumuno ng naglunsad na nasabing aktibidad sa darating na Nobyembre 30 na tinaguriang “Barya ng mga Bayani”, na may kabuuang halaga bawat kilometro ng P12,500.00 o binubuo ng 50,000 piraso ng bente singko.
Inaasahan na ang target na 70 kilometro o nagkakahalaga ng P875,000 na binubuo ng halos 3.5 milyong piraso ng 25 sentimo ay makakamit at posibleng humigit pa kung kaya ang posibilidad umanong matalo ang bansang Estados Unidos na nakasungkit ng 64 kilometro sa Guinness Book of Record at malalampasan.
Ayon sa mga lider ng mga nabanggit na samahan ay hindi umano imposible ang katagumpayan sa Nobyembre 30 sa Quirino Grandstand, Luneta, Manila dahil sa sama-samang pagtutulungan ng bawat isang Pilipino. Hinihikayat nila na magpunta, makilahok at maging bahagi ng naturang aktibidad upang maituring din na isang bayani n gating bansa sa pamamagitan ng pagmamalasakitan. Cathy Cruz, DWAD Lingkod Bayan
No comments:
Post a Comment