Ang paglilipat tanim ay matrabahong paraan ng pagtatanim. Subalit marami itong pakinabang at napapadali nito ang ibang gawain sa bukid tulad ng pagdadamo kung maisasagawa ng mabuti. Narito ang ilang tips.
Dahan dahang bunutin ang mga punla upang maiwasan ang pagkaputol ng mga ugat. Itanim ito agad pagkabunot.
Ang punla mula sa basa o wetbed at tuyo o drybed na punlaan ay kailangang maitanim nang hindi lalalim sa tatlong sentimetro. Ang sobrang lalim na pagtatanim ay nakakaantala at nakababawas sa pagsusuwi ng palay. Sa paraang dapog naman, maaaring itanim ang palay sa lalim na 1.5 sentimetro o yung tama lang para matabunan ng lupa ang mga ugat.
Maghulip o magreplant sa loob ng isang linggo upang maging sabay sabay ang paglaki, paglago at pagkahinog ng palay. Kung mahuhuli ang paghuhulip, humihina at maaantala ang pagsusuwi na makakaapekto sa kabuuang ani.
Maglaan ng sobrang punlang panghulip. Huwag nang bunutin pa ang malagong tundos upang bawasan o kuhanan ng panghulip.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito sumangguni sa Philippine Rice Research Institute o PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa telepono bilang (044) 456-0285 loc 217. Maaari ring itext ang inyong mga katanungan sa PhilRice text center. Itype ang REG/pangalan/edad/home address/email address kung meron at ang katanungan upang makapagregister at isend sa 0920-911-1398.-30- Maria Adrielle Solsoloy, PhilRice
No comments:
Post a Comment