Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Saturday, November 26, 2011

INOBASYON, DAAN PATUNGO SA KAUNLARAN NG BANSA

SA ginanap noong Oktubre 17, 2011 na ‘forum’ ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) o Surian sa mga Pag-aaral Pangkaunlaran ng Pilipinas na may temang “Understanding Innovations: A Benchmark for Economic Growth and Competitiveness” na pinamunuan ng Department of Science and Technology sa Dusit Thani Hotel, Makati City, ay dinaluhan ito nina Dr. Jose T. Yap, Pangulo ng PIDS, DOST Undersecretary Fortunato T. dela Pena, Senador Edgardo J. Angara, PIDS Senior Research Fellow Dr. Jose Ramon G. Albert, Undersecretary DTI Representative, AIM Policy Center Executive Director Prof. Ronald U. Mendoza, DOST Director for Planning and Evaluation Service Bernie Justimbre at DOST Secretary Montejo.

Sa inilahad na pag-aaral ng 2009 Survey of Innovation Activities (SIA) na inina Jose Ramon albert, Rafaelita Aldaba, Francis Quimba at Donald Yasay ay tinalakay ang kahulugan ng inobasyon, mga naging balakid nito, epekto at ano ang nagsilbing batayan ng kanilang paglalagom at mga batas kaugnay dito.

May ilang mga nagkomentaryo sa nasabing talakayan na tila umano hindi na napapanahon na ang nasabing ‘survey’ dahil sa 2009 pa ito nang naisagawa.

Ayon kay USEC Dela Pena sa kanyang pahayag na masasabing inobasyon ang isang bagay o likha kung yan ay maituturing na kauna-unahan, pinakamagaling at kakaiba. Sinasabing sa pamamagitan ng inobasyon ito ay maghahatid sa ating bayan patungo sa isang industriyalisasyon na magdudulot ng pag-angat ng ekonomiya at kakayanan na sumabay sa ibang bansa.

Binigyang halimbawa ni Kalihim Montejo ang sitwasyon hinggil sa ‘wild palm’ na ginagawang ‘sago flour’. Ayon sa kanya, dapat umanong pagtuuunan ng pansin ng Pilipino ang mga bagay na nasa paligid lang natin na maaaring maging kapaki-pakinabang at magbigay sa ating ng kabuhayan lalo na kung ito ay marami sa ating kapaligiran na sa halip nasasayang.

Subalit sa panayam ng inyong lingkod hinggil sa sinasabing inobasyon, itinanong kay Kalihim ang isa sa mga maaaring mapagkukunan na enerhiya na ‘nuclear power’ na tila taliwas ito sa pagsusulong ng sinasabing inobasyon gayong ito ay kabilang sa maituturing na inobasyon ng enerhiya na kung gagamitin ay magbibigay ito ng kaluwagan sa pamumuhay ng bansa dahil sa hindi mapaampat na pagtaas ng langis at kuryente o iba pang pangunahing pangangailangan na uugat sa paggamit ng enerhiya. Kung natakot umano ang mga tao noong unang panahon nang makalikha ng apoy sa pamamagitan ng kahoy naging uling, langis; napaso at hindi ginamit ang uri ng inobasyon ay sa malamang na wala tayong kuryente o paraan ng pagluluto ngayon sa pamamagitan ng apoy.

Tanging tinuran ng DOST Secretary na ayon umano sa pag-aaral, ang Bataan Nuclear Power Plant ay hindi umano maaaring paandarin o gamitin sa dahilang ito ay makakasama sa kalusugan ng tao at mapanganib. Inihambing niya ang kalagayan umano ng bansang Germany kung saan maraming nagsusulong na tuluyang tangggalin ang mga ‘nuclear power plant sa kanilang bansa. Cathy Cruz, Philippine Science Journalist Mega Manila

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy