Search This Blog

Tuklasin Natin Adverts

Tuklasin Natin Adverts
Tuklasin Natin Adverts

Saturday, November 26, 2011

Ipinagbubunyi ng mga manggagawa ang maka-magsasakang desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita

Kaisa ng masang magsasaka at anakpawis sa buong bansa, nagagalak ang Kilusang Mayo Uno at masang manggagawa sa pasya ng Korte Suprema na ipamahagi na ang halos limang hektarya ng Hacienda Luisita sa mga magbubukid doon.


Tama ang Korte Suprema sa pagsasabing hindi kailanman magkakaroon ng kontrol sa lupa ang mga magbubukid sa ilalim ng Stock Distribution Option na itinutulak ng manedsment ng Hacienda Luisita Incorporated.


Higit pa diyan, matagal nang dapat ipinamahagi ang lupa ng Hacienda Luisita sa mga magbubukid dahil ito ang isinasaad sa kondisyon ng utang na ginamit pambili ng hacienda at dahil matagal nang nabayaran ng mga magbubukid ang lupa sa pamamagitan ng kanilang pagsasaka.


Magiging napakahalaga ng desisyong ito, lalo na’t ang botohan ay 14 sa 15 hukom, sa kasaysayan ng kaso sa Hacienda Luisita, gayundin ng iba pang katulad na kaso sa bansa. Sikapin man ng mga Cojuangco-Aquino at maging ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III na paatrasin ang naturang desisyon – at tiyak na gagawin nila iyan – hindi na mabubura ang ganitong pagtindig ng Korte Suprema.


Nakasisiguro kami, gayunman, na hindi ito ang katapusan ng laban para sa tunay na reporma sa lupa sa Hacienda Luisita. Tiyak, kikilos ang pamilyang Cojuangco-Aquino at maging si Pang. Aquino para paatrasin ang desisyon ng Korte Suprema.


Sa malayong tanaw, ambag lamang ang desisyong ito ng Korte Suprema sa pakikibaka para sa lupa at katarungan sa Hacienda Luisita. Pero nakasisiguro kaming magpapatuloy at magpapatuloy pa ang naturang pakikibaka.


Kaya nananawagan kami sa mga magbubukid ng Hacienda Luisita: Pahigpitin ang inyong pagkakaisa. Palakasin ang inyong paglaban para sa lupa at katarungan. Nasa inyo, hindi sa anumang korte, ang tagumpay ng pakikibaka. Higit sa Korte Suprema, kaisa ninyo ang mga manggagawa at buong sambayanan sa inyong makatarungang paglaban. Roger Soluta, KMU Secretary General

No comments:

Post a Comment

Lingkod Bayan Partner in Public Service

Lingkod Bayan Partner in Public Service
Powered By Blogger

Sponsors

Sponsors
Riscor Engineering Consultancy